July 31, 2010, 07:41:41 *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
News: RKMF - Newly Launched!
 
   Home   Help Search Calendar Login Register  
Pages: 1 [2]   Go Down
  Print  
Author Topic: AAGAPAY - ALALAY AT GABAY SA PAG UNLAD NG PAMAYANAN  (Read 4383 times)
almar2k
Forum Corporal
*
Posts: 2


« Reply #15 on: February 08, 2010, 09:04:26 »

tama ka boss isa akung memmbro galing sa muslim community
sa nakikita kung pananao ay hindi ito para sa taong maka sarili at ito ay para sa kinabukasan ng bayan
kapatid suriin nyo at alamin ng mission ng aagapay
bago tayo mag salita ng kung anu anung kuminto
sariling pawis at sariling idea ang atin ginagalaw
ang aagapay ay non partisan po hindi po kami mga pulitiko
at nais po ng aagapay ay pangalagaan ang kalikasan at gabay sa pamayanan

maraming salamat po
wassalam
Logged
rheyven
Forum Corporal
*
Posts: 34


« Reply #16 on: February 13, 2010, 21:24:47 »

Hindi lingid sa ating kaalaman ang lawak ng daynamismo ng lipunang ating ginagalawan ngayon. Bagaman mayroon tayong sariling kultura at pamamaraan bilang mga Pilipino, ang pagbabago ng panahon at mga madidilim na parte ng ating kasaysayan ay nakapagpabago ng anyo ng ating lipunan. Bukod sa isang diversified culture, nawalan ng mukha o identity ang tinatawag na kulturang pinoy. Mahirap tukuyin ngayon kung ano, sino, at saan nagmula ang iba’t-ibang ideyolohiya na nakaapekto sa isang lipunan sa modernong panahon. Ang bilis ng pagbabago ngayon ay nakakapagal sa makinarya ng lipunan na dumating ang isang punto na iba’t-iba na rin ang kulay ng ating pampulitikang paniniwala o tinatawag na “political spectrum”. Ang tinatawag na political spectrum ay kumakatawan sa samu’t-saring ideyolohiya ngayon sa ating lipunan na binubuo ng tatlong pangunahing paniniwala—magmula sa dulong kaliwa, gitna, at dulong kanan. Ang pagkakaroon ng samu’t-saring paniniwala ay nakakapagpadulot ng isang tunggalian sa ating lipunan na sa huli’y sumisira at bumabago sa natural at purong porma ng ating sariling kultura.

            Hindi masama ang pagbabago sapagkat ang pagbabago mismo ang nakakapagpalusog ng isang lipunan at nakakapagpalawak ng kaalaman ng tao. Ngunit sa kabilang banda, mayroon ding epekto ang pagbabago sa ating lipunan. Ito ay maaring mahati sa dalawang pangunahing epekto—ang epekto sa kalikasan at epekto sa tao. Una ay ang epekto sa kalikasan, ito ay tumutukoy sa pagkasira ng kalikasan. Sa bilis ng pagbabago ngayon kaalinsabay sa pagunlad ng teknolohiya, ang matinding epekto nito sa kalikasan ay sumasalamin sa pagkalason ng hangin, pagdumi ng ilog at dagat, at paginit ng mundo. Itong epekto ng pagunlad samakatuwid ay direktang pagkasira ng natural na balanse ng kalikasan. Pangalawa ay ang epekto sa tao na tumutukoy naman sa pagusbong ng iba’t-ibang paniniwala o idelohiya. Hindi man masama kung tutuusin ang pagusbong ng iba’t-ibang paniniwala o eskwelahan ng karunungan, ang pagtutunggalian ng mga ito ay nakakapagdulot ng sosyal na kaguluhan at kadiliman. Bawat paniniwala o karunungan na natutuklas ay tumutunggali sa isa’t-isa. Nagkakaroon ng pagkakahati-hati ng paniniwala ang mga taong bumubuo ng lipunan na sa huli’y maaaring bumaklas sa lusog ng pagkakaugnay ng indibidwal na elemento ng lipunan o social interdependency.

            At dahil sa problemang nabanggit sa patuloy na pagbabago ng lipunan, nangangailangan ngayon ng isang kaisipang sasaklaw sa iba’t-ibang kaisipan sa ating lipunan ngayon at pagiisahin ang bawat paniniwala. Sa ganitong paraan, lahat ng mabuting taglay ng mga lupon ng kaisipan sa ating lipunan ay makakapagpadulot ng isang mapayapang rebolusyon ng pagbabago na makakapagpaunlad sa lahat ng aspeto ng lipunan (kalikasan, ekonomiya, antas ng kalidad ng buhay ng tao, atbp.)

            Ang isang alternatibong paraan upang pagisahin ang iba’t-ibang kaisipan ay ang paggamit ng isang puro at dalisay na elemento ng lipunan, at iyon ay ang aspeto ng kultura. At sa ating panglipunang lagay ay ang ating sariling kultura o Filipino culture. Ito ay hindi bagong konsepto, kailangan lamang na linangin, pinuhin, at alamin natin ang tunay na kulturang pinoy sapagkat ito ay makakapagbigay muli ng mukha sa ating lipunan ngayon na punong-puno ng tunggalian. At sa paglilinang at pagpipino ng ating kultura ay nabuo ang kaisipang AAGAPAY. Ang AAGAPAY ay isang kaisipang base sa kulturang pinoy na “bayanihan” na ang layunin ay mapagbuklod ang lahat ng umiiral na mga kaisipan ngayon sa ating lipunan, maging dulong kaliwa, gitna, o dulong kanan man. Sa ganitong pamamaraan ay magkakaroon ng isang malakas at buong pwersa na makakapagpabago at makakapagpaunlad sa ating lipunan ngayon.

aagapay advocacy
Logged
Triggerfish
Administrator
Patriot
*****
Posts: 565


I am who I am


WWW
« Reply #17 on: March 01, 2010, 11:02:36 »

with your advocacy aagapay...
who do u think should take malacanang as the next president? Cheesy
Logged

HE WHO DARES WIN!
rheyven
Forum Corporal
*
Posts: 34


« Reply #18 on: March 16, 2010, 19:32:59 »

kung sino ang manalo hindi kasi political affiliate ang aagapay pero we will give political empowerment ung mga tao to choose the right person to win but still ung mga pilipino parin ang masusunod, mahirap baguhin ung pananao ng nga tao dahil tingin nila sa politiko ay pera pag oras ng election, kailangan tuloy tuloy ang advocacy
Logged
Triggerfish
Administrator
Patriot
*****
Posts: 565


I am who I am


WWW
« Reply #19 on: May 14, 2010, 09:05:05 »

Kumusta na mga Kaagapay!
Anong mensahe ang dapat ninyong iparating sa bagong halal na pangulo?  Smiley
Logged

HE WHO DARES WIN!
rheyven
Forum Corporal
*
Posts: 34


« Reply #20 on: June 04, 2010, 08:41:33 »

on the day of june 30, 2010 the next president will asume his post all the eyes of the people are fucos on his first 100 days we should pray for him that the holy spirit guide him to the right way of leadership for our country
Logged
jason04
Forum Captain
***
Posts: 100


LIFE IS WHAT YOU MAKE IT


« Reply #21 on: June 08, 2010, 15:18:29 »

ano naman ang gagawin ko dyan pag naging myembro ako .  .  .

ang sarili ko nga ndi ko pa matulungan pano pa kaya pag bayan na ang tutulungan .  .  .
Logged

It is not the color or the rubber that makes a balloon fly. But whats inside it . .. . .
just like people.....
rheyven
Forum Corporal
*
Posts: 34


« Reply #22 on: July 11, 2010, 17:23:10 »

tulungan mo muna sarili mo
Logged
jason04
Forum Captain
***
Posts: 100


LIFE IS WHAT YOU MAKE IT


« Reply #23 on: July 13, 2010, 21:42:26 »

thats right  .  .  .

pero what if kung nakakatulong ako sa iba  .  .  .  ?

kahit hindi ko natutulungan sarili ko  .  .  . 
Logged

It is not the color or the rubber that makes a balloon fly. But whats inside it . .. . .
just like people.....
rheyven
Forum Corporal
*
Posts: 34


« Reply #24 on: July 23, 2010, 13:13:02 »

much better, if u helping somebody it will go back on u un expected
Logged
Pages: 1 [2]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.8 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC Valid XHTML 1.0! Valid CSS!
RKM Files Philippines Criminology Portal - Copyright ©2007 Baguiophoria Unlimited Web Development