salamat . . . . . napaka ganda po ng concept ng AAGAPAY dahil ito ay natatangi lang sa lipit-lahing pinoy, ito ay ang ating way of life na minana pa natin sa ating mga ninunu tulad ng:
Ang ideolohiya ay binubuo ng tatlong magkakaugnay na bahagi :
“Pananaw-sa-daigdig” - o pagbibigay ng interpretasyon sa buhay, lipunan at mga pangyayari sa daigdig;
“paninindigan” - o saligang aktitud (“stand”) sa usapin ng buhay, lipunan at mga pangyayari sa daigdig at kapaligiran; at
“pamamaraan” - pakikitungo o pamamaraang ginagamit sa paglutas ng suliranin ng buhay at ng lipunan.
Ang AAGAPAY ay likas na ideolohiya ng lahing Pilipino na naniniwala sa makapangyarihang lumikha at may tiwala at takot sa Diyos, may pagpapahalaga sa buhay at pagmamahal sa kapwa, mapagkasundo at mapayapa.
Ideolohiyang Pilipino na sumasalamin sa mga likas na kaugalian at “values” ng lahing Pilipino na magalang sa matatanda at sa kapwa; mapagkaibigan at hospitable; mahigpit ang pagkakabuklod at pagmamahalan ng pamilya; at may malalim na tradisyon ng bayanihan o pagtutulungan.
Ang pananaw-sa-daigdig ng AAGAPAY ay nakabatay sa matatag na pundasyong ispirituwal na naniniwalang may Makapangyarihang lumikha ng langit at lupa, ng buhay at ng lipunan; at lahat ng pangyayari sa buhay, lipunan at daigdig ay alinsunod sa kagustuhan ng poong maykapal.
Naniniwala ang AAGAPAY na ang tao ay nilikha ng Diyos”in his image and likeness”. Binigyan niya ito ng kalayaang gumawa ng kabutihan at ng”wisdom” upang magkaroon ng kakayahang magsuri ng mabuti at masama. Binigyan niya ng konsensya ang tao na bumubulong kapag siya’y nag-iisip at/o nagbabalak ng masama at umuusig sa kanyang budhi kapag siya’y gumawa ng krimen laban sa kapwa tao.
Mahigpit na sumusunod ang AAGAPAY sa itinuturo ng Diyos na:”Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili” (Roma 13, verse

; at ”Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan” (Roma 13, verse 10).
Naniniwala ang AAGAPAY na mahal ng Diyos ang tao. Nilikha niya ang tao na superyor sa lahat ng may buhay na humihinga at gumagalaw. Pinagkalooban niya ito ng kapangyarihang pagharian ang iba pang may buhay sa kalawakan, sa ilalim at ibabaw ng lupa, sa ibabaw at ilalim ng dagat at kontrolin pati ang kalikasan para sa kapakinabangan ng tao at ng lipunan. Naniniwala ang AAGAPAY na ang mga bansa, ang lipunang bumubuo ng bansa at ang gobyernong namamahala dito ay nilikha ng Diyos.
“Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila’y paparusahan. Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot sa mga namumuno. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. Sila’y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila’y may kapangyarihang magparusa. Sila’y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi”. (Roman 13, verse 1,2,3,4,5,6,7.)
Pinaninindigan ng AAGAPAY na ang Pilipinas ay sobereniyang nasyon. May sarili itong teritoryo, Konstitusyon, Watawat, likas na katutubong wika at demokratikong gobyerno na namamahala sa lipunan at pamayanan nito. Naninindigan ang AAGAPAY na ang lipunang may dangal, katarungan at kalayaan ay matatamo sa pambansang pagkakasundo at kapayapaan hindi sa pagwawatak-watak ng mamamayan, ng madugong sandatahang pakikibaka at pagpapatayan ng lahing Pilipino.
Naninindigan ang AAGAPAY na ang pagbangon ng pambansang ekonomiya at pag-unlad ng bansa ay dapat magsimula sa ekonomiya ng bawat tahanan – sa seryosong pagsisikap at responsableng pagkilos ng indibidwal at kolektibong pamilyang Pilipino na magkaroon ng sapat na pagkain sa hapag-kainan hindi sa pag-asa sa “dole-out” ng pamahalaan o paninisi sa gobyerno at paglulunsad ng marahas at magugulong kilos-protesta sa mga kalsad.
Sa ngayon hangang dito n lang muna ang ibabahagi ko sa inyo tungkol sa isinusulong naming pag babago sa ating bansa
kami ay may tatlong haligi: pangkabuhayan, pangedukasyon at pang ugnayan
ikaw, ako, tayo ay AAGAPAY...... MAKE THING HAPPEN..
KONTAKIN NINYO LANG AKO UPANG IBIGAY KO SA INYO ANG BUONG BAHAGI NG AMING ADVOCACY AT KONSEPTO .... ANG SAMA-SAMANG PAGKILOS SA PAGPAPAUNLAD NG PAMAYANAN ANG MAKAPAG BABALIK NG TUNAY NA KALAYAAN, HUSTISYA AT DIGNIDAD
MARAMING SALAMAT PO... MABUHAY PO TAYO... MAY PAG - ASA PA..